2 Driver ng Colorum Vehicle, Hinuli ng mga Tauhan ng LTFRB Region 2

Cauayan City,Isabela- Nahuli ng mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 02 ang dalawang colorum vehicles pasado alas-2:00 kahapon ng madaling araw sa Cauayan City, Isabela.

Sa ulat ng mga awtoridad, nasa kabuuang 14 katao ang sakay na pasahero na may biyaheng Manila-Isabela (vice versa).

Sinisingil umano ng drayber ng dalawang colorum van na halagang P1, 500 ang bawat pasahero bilang kanilang transportation fare habang naka-impound na ang mga sasakyan.


Tiniyak naman ng ahensya na masigurong ligtas sa pag-uwi ang mga pasahero.

Hinimok naman ng LTFRB Region 2 ang publiko na huwag mahiyang ipagbigay alam ang anumang ilegal na aktibidad o kahalintulad na paglabag sa sektor ng transportasyon.

Facebook Comments