2 driver patay sa salpukan ng motor sa Maguindanao

Dead on the spot ang isang motorcycle driver habang sa pagamutan naman binawian ng buhay ang isa pang motorcycle driver matapos magkahead on collision sa Brgy. Bitu Datu Odin Sinsuat Maguindanao pasado alas dos kahapon.

Sa panayam kay PSSG Bobby Pendililang, Traffic Investigator ng DOS MPS, magmula Cotabato City patungo ng Taviran Road ang Suzuki Raider 150 na minamaneho ng istudyanteng si Ibrahim Uzag, 24, residente ng Datu Anggal Midtimbang habang angkas nito si Abdul Fatah Panalangin 18, residente rin ng DAM . Nag overtake ang mga ito sa isang vehicle resulta ng aksidente makasalpukan ang papasalubong na Rusi 110 Motorcycle na minamaneho ni Saimon Dago 18, senior high school ng Main Campus sa Cotabato City.

Nagmula sa bahagi ng ng Datu Saudi Ampatuan area si Dago para kumuha lamang ng bigas papauwi ng syudad.
Sa sobrang lakas ng impact , tumilapon ang mga sakay ng nagkabanggang motor. Resulta ng kamatayan ng dalawang driver. Habang patuloy na inoobeserbahan ngayon sa ospital ang backrider ng raider





Facebook Comments