2 Drug Suspects arestado sa Balindong, P 2 Million Shabu nakumpiska!

35

P2 million na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang narekober ng mga otoridad mula sa dalawang drug suspects na naaresto sa Balindong, Lanao del Sur.
Ang mga nahuling suspek na sina Kokodao Boboh Marangit at Musa Manding Saro ay naaresto makaraang pagbilhan ng mga ito ng 300 gramo ng shabu ang non-uniformed agents ng Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM sa Barangay Lalabuan, Balindong.
Ayon kay PDEA-BARMM Dir. Juvenal Azurin, ang entrapment operation na nagresulta sa pagkaka aresto kina Marangit at Saro ay sa suportado ni Lanao del Sur provincial police Office Dir. Col. Madzgani Mukaram, 82nd at 55th Battalions ng 103rd Brigade.
Inihayag pa ni Azurin na diniditermina pa nila kung ang dalawang tulak ng iligal na droga ay may kaugnayan sa limang drug suspects na nauna na nilang naaresto sa entrapment operation noong August 14 sa Malabang, Lanao del Sur kung saan narekober sa kanila ang P13.6M na galaga ng shabu.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>


Facebook Comments