
Inaresto ng Las Piñas City Police Station ang dalawang lalaking may bitbit na shabu na nagkakahalaga ng P680,000.
Ang dalawang suspek ay parehong 24 years old na mga residente ng Navotas at Malabon City at naaresto sa Padre Diego Cera Avenue, Barangay Elias Aldana, Las Piñas City.
Una rito, nagsasagawa ng checkpoint operation ang Tactical Motorcycle Riding Unit nang sitahin ang dalawang suspek na sakay ng Honda AVD motorcycle dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.
Tinangka pa ng mga suspek na tumakas pero nahabol ang dalawa ng mga operatiba at nakuha ang 100 grams ng shabu, caliber 9mm Taurus pistol ang 15 na bala.
Mahaharap ang dalawang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Dinala muna ang mga suspek sa Las Piñas District Hospital parassa medical examination at agad isinalang sa inquest proceedings.










