2 drug suspects patay sa Marikina, isa mga suspek sangkot din sa pagnanakaw

Marikina City – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang drug suspect sa Farmers 1 corner JP Rizal St. Brgy. Concepcion Uno Marikina City alas 11:30 kagabi.

Kinilala ang napatay na si Mark del Rosario 39 anyos residente sa lugar.

Napag-alaman kay SSupt. Roger Quesada, Chief of Police, naglalakad ang biktima ng harangin ng anim na lalaking sakay sa tatlong motorsiklo.


Kasunod nito’y pinagbabaril ng malapitan ang bikitima.

Ayon sa hepe ang pagpatay ay may kaugnayan sa illegal na droga.

Samantala, bago nangyari ang insidente may nauna ng drug suspect na may umano’y notorious kriminal, ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa Brgy. San Roque Marikina City, alas singko pasado kahapon.

Kinilala ang napatay na si Jhonny Reyes 29 anyos na base report ng Marikina PNP.

Ito’y sangkot umano sa serye ng robbery hold-up at akyat bahay incident sa Marikina City.

Sinasabi ng mga nakakakilala na bagong laya lamang ni Reyes na nakulong dahil kasong illegal na droga.

Facebook Comments