2 elemento ng Cotabato City Police nagpositibo sa Covid-19

Kinumperma ni Cotabato City PNP Director Colonel Richard Fiesta na dalawa sa mga myembro ng Police Station 3 ay nagpositibo sa Corona Virus Disease-19.

Kabilang sa mga ito ay isang imbestigador at isang patrolvan driver ayon pa kay Col. Fiesta.

Kaugnay nito, maliban sa 2 pulis na naka isolate na sa Facility Center ng LGU, nagnegatibo naman ang resulta ng lahat ng myembro ng Station 3.


Nasa stable situation naman ang mga pulis na nagpositibo sa COVID- 19 ayon pa kay CD Fiesta.

Bagaman ikinalungkot ang sinapit ng 2 nitong elemento, magpapatuloy parin aniya ang mga inisyatiba ng buong hanay ng City PNP para maisiguro pa ring maging ligtas ang publiko.
Ang pagkakadiskubre ay kasabay ng isinagawang rapid testing sa buong hanay ng City PNP at sinundan agad ng Swab Test noong araw ng lunes.
CCPO Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments