2 emergency quarantine facilities sa V Luna Hospital, magagamit na ng AFP

Pinasinayaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaninang umaga ang dalawang Emergency Quarantine Facilities (EQF)  na itinayo sa V Luna General Hospital sa Quezon City.

Ang pasilidad ay dinisenyo ni Architect William Ti, Jr. ng WTA Architecture + Design Studio, at itinayo ng mga AFP Engineers.

Pinangunahan ni Colonel Arnfin A Arce, Deputy Chief Engineer ng AFP ang ceremonial turnover at blessing ng mga pasilidad na nasa loob ng compound ng AFP Health Service Command.


Ang EQF ay design para sa mga ospital na nasa maximum capacity na, upang  magkaroon ng karagdagang espasyo ang mga bagong pasyenteng kailangang i-quarantine.

Matatandaang una nang  pinasinayaan kamakailan ang mga kahalintulad na donasyong EQF sa Camp Aguinaldo, na bahagi ng kabuuang 62 EQFs na planong itayo sa loob at labas ng Metro Manila.

Ang mga EQF ay pakikibabangan ng mga sundalo na kailangang I-quarantine dahil sa COVID-19.

Facebook Comments