2 Empleyado ng City Disaster, Positibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Ipinag-utos ng Lokal na Pamahalaan ng Tabuk ang pagsasailalim sa lahat ng empleyado sa Anti-Body Rapid Testing matapos makapagtala ng karagdagang positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon sa pahayag ni City Mayor Darwin Estrañero, ito ay makaraang magpositibo ang dalawang kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa virus kahapon.

Dagdag ng alkalde, hakbang ito ng LGU para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga kawani laban sa nakamamatay na virus.


Nabatid na nagkaroon din ng direct contact ang dalawang CDRRMO employees sa unang nagpositibo sa sakit sa siyudad.

Samantala, umabot na sa 30 kawani ng CDRRMO ang nakasailalim sa isolation simula kahapon matapos ang positibong kaso ng kanilang kasamahan.

Sa ngayon ay nasa kabuuang anim (6) na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang lungsod.

Facebook Comments