2 Empleyado ng Provincial Government ng Isabela, Nagpositibo sa COVID-19

1224

Cauayan City, Isabela- Positibo sa COVID-19 ang isang kawani ng Isabela Provincial Health Office (IPHO) at isang drayber ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, nakapasailalim ngayon ang nasa 16 na katao sa isolation facility ng Punta Amelita Resort na nakasalamuha ng staff ng IPHO.

Agad namang idinala sa quarantine facility ng City of Ilagan ang mga nagpositibong pasyente para sumailalim sa monitoring ng kanilang lagay sa kalusugan.

Dagdag pa ni Binag, hihintayin na lamang ang mga testing kits para isailalim sa swab test ang mga nakasalamuha ng driver ng PSWDO.

Inaalam naman kung paano nahawa o nakuha ng dalawang pasyente ang nasabing virus.

Facebook Comments