Cauayan City Isabela- Timbog ang dalawang estudyante sa diumano’y tangkang pagpupuslit ng tinatayang mahigit P700,000 na halaga ng marijuana matapos masakote sa police checkpoint sa Dinakan, Lubuagan, Kalinga, nitong Miyerkules ng hapon, Disyembre 15, 2021.
Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na isang pulang toyata vios ang magpupuslit ng illegal na droga sakay ang dalawang bente uno anyos na lalaking estudyante na pawang residente ng Cataggaman, Nuevo, Tuguegarao City at ang isa ay residente ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga.
Naharang ng pinagsanib na pwersa ng 2nd KPMFC, Lubuagan MPS, PDEU/PIU, RID PROCOR at PECU Kalinga ang sinasakyan ng mg suspek kung saan tumambad ang limang tubular dried marijuana na tumitimbang ng 3.26 kilogram na nagkakahalaga ng kabuuang Php391,200.00.
Kumpiskado rin ang tatlong dried marijuana bricks na tumitimbang ng 2.78 kilogram na nagkakahalaga naman ng Php333,600.00
Dinala na sa PNP station ang dalawang suspek maging ang sasakyan at isang cellphone habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon.
Samantala, napositibo sa illegal na droga ang dalawang suspek matapos isailalaim sa pagsusuri ang kinuhang urine sample ng Kalinga Provincial Crime Laboratory.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001.