2 estudyante sugatan sa insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Nueva Ecija

Sugatan ang dalawang estudyante matapos ang insidente ng pamamaril sa loob ng Sta. Rosa Central School sa Nueva Ecija kaninang umaga habang isinasagawa ang klase.

Kinumpirma ni Santa Rosa Municipal Police Station Acting Chief of Police PMaj. Willard Dulnuan na isang babae at isang lalaki ang sugatan.

Batay sa inisyal na impormasyon, parehong isinugod sa ospital ang biktima at hinihinalang suspek matapos ang insidente kaninang alas-10:45 ng umaga.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa likod ng pamamaril.

Facebook Comments