2 Filipino seafarers, patay sa sa pag-atake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden – DMW

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkasawi ng 2 Filipino seafarers sa pinakahuling pag-atake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden.

Hindi muna pinangalanan ng DMW ang 2 nasawing Pinoy seafarers.

Ayon sa DMW, 2 ring Filipino crewmen ang nasaktan sa nasabing pag-atake sa barko sa Gulf of Aden.


Sinabi ng DMW na may direktiba na ang pangulo na tulungan ang pamilya ng mga nasawi at nasaktan na Pinoy seafarers.

Sa ngayon, nakikipag- ugnayan na ang DMW sa manning agency at shipowner para sa pagpapauwi ng mga nakaligtas na Filipino crew members.

Facebook Comments