2 Foreign Students nahulihan ng higit 5 milyong halaga ng iligal na droga sa Dagupan City

115

Naaresto ng otoridad ang dalawang foreign students makaraang mahulihan ng higit limang milyong pisong halaga ng iligal na droga at paraphernalias sa Barangay Malued, Dagupan City.
Kinilala ang mga suspek na si Hood Alashwal Salem isang Yemen National at si Yassin Abbas isang Sudanese na kinumpirmang nasa High Value Target List ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Nakuha sa mga suspek ang isang plastic ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 4, 760, 0000 pesos at apat na plastik ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng 264, 840 pesos at drug paraphernalias.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng dalawa.

Facebook Comments