2 garbage collector sa Muntinlupa, arestado matapos mahulihan ng shabu

Muntinlupa – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang dalawang garbage collectot matapos na mahulihan ng shabu sa Sitio Rizal Brgy. Alabang, Muntinlupa City.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Callada, 31 anyos, at Joshua Abarro, 20 anyos.

Ayon kay PO3 Charles Miranda, naispatan nina PO1 Joseph Ilegado at PO1 Isidro Caliguiran ang dalawang garbage collector na may kahina-hinalang pagkilos at walang suot na damit sa Crispin Extension, Sitio Rizal, Brgy. Alabang, Muntinlupa City kayat agad na sinita at nakuha sa kanilang pag-iingat ang dalawang pirasong shabu na gamit na.


Itinanggi naman ng dalawang suspek na gumagamit sila ng shabu sa kabila ng nakuha sa kanilang katawang ang ipinagbabawal na gamot.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Law ang isinampa sa narurang mga suspek at paglabag sa city ordinance na nagbabawal na nakahubad ng damit pang-itaas.

Facebook Comments