2 geothermal power plant ng Leyte, pahirapan ang pag-sasaayos ayon sa NGCP

Manila, Philippines – Matapos ang malakas na lindol sa Ormoc Leyte, pahirapan ang pag-sasaayos sa linya ng kuryente.

Kagabi naisaayos na ang marshalling substation pero muling nasira sa hindi malamang dahilan.

Ayon kay Cynthia Alabanza taga-pagsalita ng NGCP ngayong araw mag sasagawa sila ng inspection matapos bumigay ang 2 geothermal power plant na nag susupply ng kuryente sa malaking bahagi ng Leyte.


Aminado ang opisyal na pahirapan ang pagkukumpuni dahil sa nararanasan na pag pag-ulan.

Tatagal ng 15 araw ang inspection sa Marshalling Substation, Mahiao Substation at Malitlbog Geo power plant.
Noong nakaraang linggo niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang siyudad ng Ormoc lalawigan ng Leyte.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments