2 ghost corporations, mga opisyal at accountants nito, sinampahan ng kaso ng BIR

Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Quezon City Regional Trial Court ang mga kompanyang Decarich Supertrade, Inc. at Redington Corporation.

Ang kaso ay nag-ugat sa ikinasang Run After Fake Transactions Task Force (RAFT) ng BIR.

Kabilang din sa sinampahan ng kaso ay ang mga accountant nitong sangkot sa pagbebenta ng mga pekeng resibo at sales invoice.


 

Ayon sa BIR, ang mga ghost corporation na ito ay responsable sa pagkakalugi ng pamahalaan ng hindi bababa sa P50 bilyong buwis sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga pekeng resibo at sales invoice.

Sa kasalukuyan, nasa 23 criminal charges na ang naisasampa ng BIR laban sa mga nagbebenta at tumatangkilik ng pekeng resibo.

Facebook Comments