2 Grade 10 estudyante, nahulihan ng marijuana sa eskwelahan

512

Dalawang estudyanteng Grade 10 ang nahulihan ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana sa bayan ng Virac, Catanduanes, Miyerkules, Enero 29.

Ayon kay Maj. Bon Billy Timuat, hepe ng Virac police, nadiskubre ng guwardiya sa isang pribadong paaralan sa bayan ang droga habang nag-iinspeksyon sa mga silid.

Nagtataka umano ang guwardiya kung anong ginagawa ng dalawang estudyante sa isang bakanteng classroom.


Nasabat sa parehong 17-anyos ang tuyong mga dahon na pinaniniwalaang marijuana na nakabalot sa piraso ng papel, isang glass toooter, itim na pitaka at dalawang pakete na may natitira pang hinihinalang marijuana.

Dinala ang mga menor de edad sa Women and Children’s Protection Desk ng pulisya para sa medical exam.

Facebook Comments