2 gun for hire suspects na sakay ng police patrol, patay sa pananambang

122

Manila, Philippines – Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang mga gunmen habang sakay ng police transport sa Lacson Avenue sa Sampaloc, Maynila.

Una nang naaresto ang umaming hitman na si Apolonio Flores at ang handler nito na si Prince Patrick Cortez.

Nakulong ang dalawa sa Manila Police District (MPD) Station 4 dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Sakay noon ng Police Mobile sina Flores at Cortez kasama sina PO1 Joven Miguel at PO2 Mark De Lima nang harangin ng anim na lalaki na lulan naman ng mga motorsiklo.

Apat sa mga lalaki ang bumaba sa kanilang motorsiklo at inutusan ang dalawang pulis na ilayo ang kanilang mga baril at dumapa.

Dito na pinagbabaril ng mga gunmen sina Flores at Cortez saka mabilis na tumakas papuntang Nagtahan flyover.

Facebook Comments