2 hapon na pinaslang sa Maynila, posibleng plano talagang patayin at hindi nakawan; binuong task group, nakikipag-ugnayan na sa Japanese Embassy

Nakikipag-ugnayan na ang binuong Special Investigation Task Group o SITG MALVAR kaugnay sa kaso ng pamamaril sa dalawang dayuhan sa Maynila na kanilang ikinasawi.

Ayon sa Manila Police District, nadakip na ang isa sa mga suspek habang isa pang tao na tinukoy bilang person of interest ang nakilala ng mga imbestigador.

Natukoy ang galaw ng mga suspek bago at matapos ang insidente sa pamamagitan ng backtracking sa mga CCTV footages.

Nakilala ang unang suspek na siyang bumaril nang magtanggal ng facemask sa bahagi ng Pedro Gil.

Nakita naman sa iba’t ibang CCTV ng mga establisyimento sa Maynila hanggang Pasay City ang ikalawang suspek na positibong kinilala sa tulong ng hotel administration dahil sa kaniyang government ID.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang layon ng ginawang pagnanakaw na lituhin ang mga awtoridad at posibleng plano talaga silang patayin.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang SITG MALVAR Japanese Embassy at sa pamilya ng mga biktima.

Ayon kay PBGen. Arnold Abad, Acting District Director ng MPD, hindi sila titigil hangga’t hindi napapanagot ang lahat ng may kinalaman sa krimen.

Facebook Comments