2 Helper, Arestado sa ‘Pot Session’

*Roxas, Isabela –* Natimbog ang dalawang helper matapos maaktuhang nagpa pot session ng iligal na droga pasado alas 11:00 kagabi sa Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Johnrey Gutierrez, 22 anyos, binata at Lyka Esquivel, 28 anyos, dalaga at residente rin ng naturang barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, dinakip ng PNP Roxas ang mga suspek matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay sa paggamit ng mga suspek sa ipinagbabawal na gamot sa isang bahay sa nasabing lugar.


Agad na rumesponde ang pulisya sa lugar na nagresulta sa pagkakahuli ng dalawang suspek.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang limang stick ng sigarilyo na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana, isang folded paper na naglalaman ng tuyong dahon ng marijuana at isang sachet ng pinatuyong marijuana.

Mahaharap ngayan sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawang suspek na nasa kustodiya na ng pulisya.

Facebook Comments