
Naaresto sa kinasang buy-bust operation ng Leyte Police Provincial Office (LPPO) ang dalawang high value individual sa kahabaan ng Bypass Road, Brgy. Guindapunan, Palo, Leyte.
Pinangunahan ng Palo Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) ang operasyon, na sinuportahan ng mga yunit ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Eastern Visayas.
Narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang 2.4 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱16,320,000.
Bukod dito ay narekober din ang mga digital weighing scale, mga empty sachet, mga cellphone na ginagamit sa ilegal na transaksyon, iba’t ibang personal na gamit, at pera.
Dahil dito, nahaharap ang mga nasabing suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Sa ngayon ang mga akusado ay nasa kustodiya na ng Palo Municipal Police Station, habang ang mga ebidensiya ay sumasailalim sa pagsusuri sa Regional Forensic Unit (RFU) 8.









