2 High Value Target Arestado sa Marawi. 6.8Million Pesos na Shabu nakumpiska

Kalaboso ang dalawang suspected High Value Target sa Buy Bust Operation ng mga Operatiba ng PDEA BARMM sa MSU Commercial Center, Barangay Dimalna Marawi City pasado alas onse ng umaga, ngayong umaga.
Kinilala ni PDEA BARMM Regional Director, Juvenal Azurin ang mga naaresto na sina Jamal Tocalo na residente ng Iligan City at Muhajir Samad.
Nkumpiska sa operation ang isang kilo na pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 6.8 Million pesos.
Mahigit dalawang buwan na sinubaybayan ang dalawang drug suspect bago inilunsad ang operasyon matapos na mapabilang sa High Value Target ayon pa kay RD Azurin.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga naaresto.
PDEA BARMM PIC

Facebook Comments