2 High Value Target arestado sa Pigcawayan, P 1.3 Million na halaga ng Shabu nakumpiska!

Kalaboso sa Jail Facility ng PDEA ang dalawang High Value Target sa ikinasang operasyon sa Pigcawayan North Cotabato.
Kinilala ang mga naaresto na sina Benjie Walas at Rahib Acob na nakumpiskahan ng more or less 200 grams na pinaniniwalaang shabu na may market value na 1.3 Million Pesos, 2 caliber 45 pistol, isang motorsiklo at buybust money.
Mga pinagsanib na pwersa ng PDEA 12, BARMM , 34th Infatry Batallion, at Pigcawayan MPS ang nasa likod ng matagumpay na operasyon.

Facebook Comments