2 holdaper napatay sa engkwentro sa QC

Hindi pa kilala hanggang ngayon ang dalawang lalaking holdaper na napatay ng mga tauhan ng QCPD Station 6 sa isang engkwentro kaninang madaling araw.

Nangyari ang engkwentro dakong alas 12:30 AM sa Banahaw Street, Barangay Payatas, matapos holdapin ng mga suspek ang isang passenger jeepney sa kanto ng Payatas Road at Majaas Street.

Nabawi sa kanilang pag-iingat ang dalawang 38 revolver mga bala, isang motorsiklo at iba pang personal belongings.


Isa sa dalawang suspect ay nakasuot ng kulay itim na sweetshirt, pulang jacket, maong short, black cap at black mask at nakasuot ng pulang sapatos.

Habang ang isa naman ay nakasuot ng itim na jacket, maong short at kulay na grey na sapatos.

Facebook Comments