Arestado ang dalawang Amerikano matapos magtapon ng bangkay ng babaeng Amerikano sa Pasig River sa Maynila.
Ayon kay Senior Superintendent Vicente Danao Jr., hepe ng Manila Police DistrictC (MPD), nasa edad 21 at 22 taong gulang ang mga suspek at parehong US citizen.
Idinadawit ang dalawa sa pagpatay kay Tomi Michelle Masters, 23-anyos, isa ring Us citizen na naninirahan sa Barangay Highway Hills, Mandaluyong City.
Aniya, nakita sa Pasig River ang bangkay ni Masters na walang saplot at nakabalot sa garbage bag.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-book ng Grab ang dalawa mula sa isang condominium sa Mandaluyong papunta sa isang mall sa Maynila dala ang isang malaking kahon.
Pero hiniling ng mga suspek sa Grab driver na idaan sila sa Baseco Compound, kung saan nila itinapon sa ilog ang dalang kahon na pinaghihinalaang pinaglagyan sa bangkay ng biktima.
Dahil dito, dumulog sa pulisya ang Grab driver na siya ring positibong kumilala sa mga suspek kung saan ang isa sa kanila ay sinasabing nobyo ni Masters.