2 huling lalaking sumuko sa Sulu police, walang kinalaman sa Jolo twin bombing

Walang kinalaman sa pagpapasabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu ang huling dalawang lalaking lumutang sa Sulu Police Provincial Office.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group Region 9, nalinaw sa kanilang ginawang pagtatanong sa dalawa na napag-alaman na magpinsan na sila ay nahagip lamang ng CCTV sa lugar.

Ang dalawang huling sumuko ay ang nakasuot ng itim na t-shirt at may sunglass na nakalagay sa ulo habang ang isa naman ay naka-checkered na polo.


Nagbabantay umano sila sa isang kaanak na nasa ospital at mag-aagahan sana sa isang restaurant doon.

Kumbinsido na ang awtoridad na inosente sila at inalis na sila sa listahan ng persons of interest.

Facebook Comments