Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang babae dahil sa ilegal na pag-recruit ng mga gustong magtrabaho sa Canada at Dubai.
Unang inaresto ang suspek na si Conchita Paculba matapos tanggapin ang marked money mula sa nag-apply na maging waiter sa Dubai.
Sunod ring inaresto sa entrapment operation ang suspek na si Jenny Disu na nagre-recruit ng mga caregiver sa Canada.
Kapwa umamin ang mga suspek na direct hiring at tourist visa lang ang alok sa mga aplikante.
Nahaharap ang mga suspek estafa at large scale illegal recruitment.
Facebook Comments