Pormal nang kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang independent contractor ng GMA Network na inaakusahan ng sexual abuse laban sa aktor na si Sandro Muhlach.
Kasong rape through sexual assault at dalawang counts ng acts of lasciviousness ang isinampa laban kina Jojo Nones at Richard Cruz sa Pasay Regional Trial Court.
Ayon kay Officer-in-Charge (OIC) Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, pinagbatayan ng prosekusyon ang mga naging salaysay ng batang aktor nang gawin ang umano’y panghahalay sa kaniya.
Kasunod nito, sinabi ni Fadullon na pinakinggan din nila ang panig ng defendants pero hindi ito naging sapat.
Samantala, nilinaw din ni Fadullon na hindi sapat ang umano’y inconsistencies sa mga testimonya ni Sandro upang ibasura ang kaso.
Batay sa resolusyon, nakita ang lahat ng elemento ng sexual assault at acts of lasciviousness sa reklamo.
Wala pang pahayag ngayon ang kampo nina Nones at Cruz.