2 Indian national na sakay ng training plane papuntang Bulacan, nawawala

Pinaghahanap na ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang dalawang Indian National na sakay ng isang training Cessna aircraft na biyaheng Plaridel-Subic-Plaridel.

Ayon sa source ng RMN News, pabalik na sana sa Plaridel, Bulacan ang aircraft nang mawalan ito ng contact pagdating sa Santa Rita, Olongapo City.

Huling nakita ang aircraft kahapon, pasado alas otso ng umaga.


Ang aircraft ay pagaari ng fliteline aviation school na nakabase rin sa bulacan.

Tumanggi naman ang pamunuan ng flight school na magpaunlak ng panayam para umano makatutok muna sa paghahanap.

Kinumpirma naman ng flight school na isang student pilot at kaniyang trainer na pawang mga indiano ang nakasakay sa aircraft.

Sa ngayon ay nasabihan na umano ang pamilya ng mga Indian national.

Patuloy naman ang koordinasyon ng Fliteline Aviation School sa mga ahensya ng pamahalaan para sa search and rescue.

Ayon naman sa Office of Civil Defense Region 3, wala pa silang natatanggap na pormal na ulat mula sa CAAP at nasabing flight school.

Facebook Comments