2 Indian Navy ships, bumisita sa bansa bilang pagpapatibay ng relasyon ng India at Pilipinas

Manila, Philippines – Para lalong pagtibayin ang ugnayan ng Pilipinas at India, bumisita ang dalawang Navy ships ng India sa Pier 15 kaninang umaga.

Ang mga barkong INS Satpura (F48), ay pinamumunuan ni Capt. Rahul Shankar; at INS Kadmati (P29), ay dalawa sa pinakamodernong barkong pandigma ng Indian Navy ship na dumaong sa Pier 15 Manila South Harbor.

Ang barkong INS Satpura (F48) ay isang stealth multi-role frigate habang ang INS Kadmati (P29) na isang anti-submarine ship ay pinamumunuan ni Commander Nithin Cariappa.


Ayon sa dalawang ship captain, nais nilang makabuo ng magandang working relations sa Pilipinas na magpapalakas sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Ang dalawang war ships na may kagamitang tulad ng iba’t ibang sensors at mga weapon system ay sinalubong ng BRP Rajah Humabon sa Corregidor kung saan idinaos ang customary meeting procedure sa pagitan ng mga opisyal ng Indian at Philippine Navy bago sila naglayag patungong Pier 15.

Ayon kay Philippine Navy Public Affairs Chief Lued Lincuna, ang pagbisita ng dalawang foreign vessel ay itinaon sa ika-25 taon ng Indian ASEAN relationship.

Facebook Comments