2 Indibidwal, Huli sa Pangunguryente ng ‘Kiwet’

Cauayan City, Isabela- Arestado ang dalawang indibidwal sa iligal na pangunguryente ng isang uri ng isda sa Brgy. Bitag Pequeño, Baggao, Cagayan.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Julio,66-anyos, may-asawa at Boyet, 32-anyos, may asawa at mga residente sa magkahiwalay na barangay ng naturang bayan.
Ayon sa report ng PNP Baggao, pasado alas-8:00 kahapon ng umaga ng magsagawa ng pagpapatrolya ang mga kasapi ng pulisya sa lugar ng makita nila ang dalawang katao na iligal umanong nanghuhuli ng eel o ‘kiwet’ sa pamamagitan ng pangunguryente.
Tinanong naman ng pulisya ang legalidad ng panghuhuli ng mga ito subalit bigo ang mga ito dahilan para arestuhin sila ng mga operatiba.
Kinumpiska naman ang gamit nilang electro-fishing device bilang ebidensya.
Samantala, mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang panghuhuli ng anumang uri ng isda gamit ang kuryente.
Nahaharap ang dalawang indibidwal sa kasong RA 8550 o Fisheries Code of 1998.

📸 internet photo

Facebook Comments