Hinuli ng mga pulis sa Caloocan ang isang 41 anyos na lalaki at isang 18 anyos na babae matapos na mambubogbog ng barangay official nang sawayin silang hindi sumusunod sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Kinilala ang lalaki na si Ronaldo Rio at Mary Rose Raguindin, mga residente ng Brgy. 168 Caloocan City.
Sa ulat National Capital Region (NCR), inireklamo mismo ng barangay captain ng Brgy. 168 na si Chairman Romeo Giron ang dalawa sa mga Police Caloocan dahil sa katigasan ng ulo at gustong manatili sa labas ng bahay.
Nagsusumigaw pa raw ang mga ito na kalokohan lang ang ginagawang pananatili sa loob ng bahay, matanda na raw sila at hindi tatablan ng COVID-19.
Dahil dito nilapitan siya ni barangay captain at pinagpaliwanagan pero sa halip sumagot-sagot pa ito sa kapitan hanggang sa nauwi pa sa pambubogbog sa barangy captain at mga kasama nito.
Sa ngayon, nahaharap na ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 1132 in relation sa Proclamation 922 at kasong Disobedience to Person in Authority and Direct Assault.