2 INDIBIDWAL, ITINUTURING NA PERSON OF INTEREST SA PAMAMARIL SA SAN MANUEL

CAUAYAN CITY- Dalawang katao ang tinitingnan ngayon ng mga otoridad bilang person of interest sa pamamaril kamakailan sa dalawang indibidwal sa Brgy. District 1, San Manuel, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Pmsg Jaypee Rodrigo, imbestigador na nakahawak sa kaso, ang dalawang Person of interest na ito ay naka-transaksyon na ng mga biktima sa kanilang hanapbuhay na pagbebenta ng mga baboy.

Aniya, isa sa mga itinuturong rason sa likod ng pamamaril ay business related o may kaugnayan sa negosyo.


Dagdag pa niya, puspusan pa rin ang isinasagawang tracking at imbestigasyon ng kanilang hanay hinggil sa nangyaring pamamaril upang makakalap pa ng karagdagang ebidensya na siyang makakapagturo sa tunay na salarin.

Facebook Comments