2 INDIBIDWAL NA TULAK NG ILIGAL NA DROGA, ARESTADO SA MALLIG

CAUAYAN CITY- Napasakamay ng mga otoridad ang dalawang indibidwal na tinauriang street level individual sa Brgy. San Ramon, Mallig, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Noel” at alyas “Caty”, pawang mga residente ng nasabing bayan.

Narekober sa pag-iingat ng mga suspek ang isang (1) piraso ng nakaselyong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, at isang (1) piraso ng genuine 1,000 peso bill bilang buy-bust money.


Dinala ang mga suspek sa himpilan ng Mallig PS para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments