2 INDIBIDWAL, NASAMSAMAN NG DROGA AT MARIJUANA

CAUAYAN CITY- Himas rehas ngayon ang dalawang indibidwal matapos madakip ng mga otoridad sa isinagawang search warrant sa Brgy. 2, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Frank” at “Jane”, at residente ng nasabing bayan

Narekober sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawampu’t-isang pirasong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at tatlong (3) pakete ng hinihinalang marijuana.


Naaresto ang mga suspek sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng PNP San Mateo at Philippine Drug Enforcement Agency.

Sa kasalukuyan, ang mga suspek ay nasa pag-iingat ng San Mateo Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala, mahaharap si alyas “Frank” at “Jane” sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments