2 INFRASTRACTURE PROJECTS SA RAMON, PINASINAYAAN

CAUAYAN CITY – Pinasinayaan ng Lokal na Pamahalaan ng Ramon, Isabela ang dalawang infrastructure projects bilang pangako ng patuloy na maayos na pamamahala sa lugar.

Isa sa mga proyekto ay ang 50 solar streetlights sa Barangay Nagbalacan.

Ang naturang streetlights ay makatutulong para sa mas maayos at ligtas na komunidad lalo na sa gabi.


Sinimulan ang semeronya para dito sa pamamagitan ng ribbon cutting.

Tampok din sa isinagawang seremonya ang natapos ng Farm-to-Market Road sa Barangay Oscariz na may sukat na 365 meters kung saan mapapadali nito ang transportasyon ng mga produktong pang-agrikultura para sa ikauunlad ng kanilang ekonomiya.

Facebook Comments