2 INSIDENTE NG SUNOG, NAITALA SA DAGUPAN CITY ISANG ARAW BAGO ANG BISPERAS NG BAGONG TAON

Naitala ang dalawang insidente ng sunog sa Dagupan City, kahapon Isang araw bago ang bisperas ng bagong taon.
Pasado alas 10: 00 ng umaga Sumiklab ang sunog sa Sitio Malta, Brgy. Malued kung saan natupok ang ilang kabahayan na gawa sa light materials.
Ayon sa ilang residente, nagsimula di umano ang sunog sa Isang abandonadong bahay hanggang madamay na ang ilang katabing bahay sa lugar. Ilang residente ang nanawagan ng tulong sa kasagsagan ng sunog upang mailigtas ang kanilang mga alagang hayop at maisalba ang kanilang mga kagamitan.

Alas 2:00 naman ng hapon nang maitala ang Isa pang sunog sa kabahayan sa Amado St. brgy. Tapuac.
Sa kuhang Video ni Idol Mary Joy Rafanan na Ibinahagi sa IFM News Dagupan, tanaw hanggang Brgy. Calmay, Dagupan City ang maitim na usok na nagmumula sa sunog sa lugar.
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa pinagmulan maging ang danyos sa dalawang insidente ng sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments