2 Kaklase ni CV969, Nagpositibo na rin sa COVID-19

179

Cauayan City, Isabela-Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dalawang babae na nakasalamuha ni CV969 makaraang magsagawa ng pisikal na contact sa isang pribadong paaralan sa lungsod ng Cauayan.


Ayon sa ulat ng DOH-RESU, kinabibilangan ito ni CV1156, 21-anyos at residente ng Brgy. Gappal at CV1157, isang 25-anyos na residente naman ng Brgy. Carabatan Bacareño.

Iginiit naman ng pamunuan ng paaralan na walang nangyaring face-to-face classes ng makumpirmang nagpositibo si CV969 dahil pawang orientation at pamamahagi ng module ang nangyari.

Nananatili namang asymptomatic o walang sintomas ng virus ang dalawang nagpositibo sa sakit.

Sa ngayon ay patuloy ang isinagawang contact tracing sa iba pang posibleng nakasalamuha ni CV1156 at CV1157.

Facebook Comments