Isang Estudyante, Sugatan matapos mabundol sa Cabatuan, Isabela!

248

Cabatuan, Isabela – Sugatan ang isang estudyante matapos mabangga pasado alas syete kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy. Centro, Cabatuan, Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Nelmar James Pagulayan Bendebel,16 taong gulang, estudyante at residente ng nasabing lugar, habang ang suspek ay kinilala naman na si Eric Eugenio Jamias, 24 taong gulang, binata at residente naman ng Brgy. Malasin, Burgos, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), binabaybay umano ni Jamias ang nasabing lansangan patungong south direction ng biglang tumawid si Bendebel at aksidenteng nabundol ito.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawa kaya agad silang dinala sa pagamutan para sa karampatang lunas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP Cabatuan hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments

From Advertisers