2 kalsada sa CAR, nananatiling unpassable sa mga motorista

46

Sarado at hindi pa rin madaraanan ng mga motorista ang dalawang kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa nagbabadyang landslide bunsod ng mga pag ulang dulot ng Typhoon Henry.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), partikular na isinara ang landslide prone na Kennon Road at ang Apayao – Ilocos Norte Road.

Sa mga magtutungo sa Baguio city, pinapayuhang dumaan sa Marcos Highway, Baguio – Bauang Road o sa Asin – Nangalisan – San Pascual Road bilang mga alternatibong ruta.


Samantala, reactivated na ang DPWH Quick Response Teams para i-monitor ang lagay ng mga national road sections sa CAR maging sa Region 2 na posibleng maapektuhan ng sama ng panahon na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Facebook Comments