2 Karpentero kalaboso dahil sa Shabu

Dalawang karpentero mula sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao ang inaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad matapos masangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Kinilala ang mga ito na sina JORDAN DUMATO KADIANDA, 23 years old, may asawa at TENG TONGANTO KADIANDA, 53 years old, may asawa at kapwa mga residente ng Baranggay Bulalo.

Nakumpiska sa mga suspeks ang siyam na piraso ng pininiwalaang shabu, marked money na 500 pesos, ligthers at 832 pesos na cash.


Kasalukuyang himas rehas na sa selda ang mga naaresto at nahaharap na sa kaukulang mga kaso.

Facebook Comments