2 kasong kriminal laban kay Sarah Discaya at 2 DPWH Davao Occidental engineer, inilipat sa korte sa Cebu

Kinumpirma ng Korte Suprema na inilipat ang dalawang kasong kriminal na inihain laban sa dalawang engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa contractor na si Sarah Discaya.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, inilipat sa Lapu-Lapu City Regional Trial Court (RTC) ang reklamo laban kina Discaya at dalawang DPWH engineer ng Davao Occidental.

Alinsunod aniya ito sa guidelines ng korte na ilipat ang corruption-related cases na may kaugnayan sa mga proyektong pang-imprastraktura sa designated anti-graft court ng pinakamalapit na judicial region na pipiliin ng presiding o executive judge.

Kahapon nang kumpirmahin ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Polo Martinez na planong ilipat ng korteng humahawak sa kaso mula sa Davao dahil sa mga itinalagang special court.

Facebook Comments