Iniutos ng dalawang Regional Trial Courts (RTC) sa Quezon City ang pagpapalaya kay dating newscaster at talk show host Jay Sonza.
Ito’y matapos na ibasura ng QC-RTC Branch 125 at Branch 100 ang kasong estafa at large-scale illegal recruitment laban kay Sonza dahil sa kabiguang humarap sa korte ng mga nagrereklamo.
Gayunman, mananatili sa Quezon City Jail Quarantine Facility sa Barangay Payatas si Sonza dahil naman sa isa pang committment order na nag-ugat sa kasong libel na isinampa sa QC-RTC Branch 77.
Papunta sana si Sonza sa Hong Kong nang harangin ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) noong Hulyo 18 matapos na mabisto na may mga nakabinbin itong mga kaso.
Mula sa Immigration, inilipat si Sonza sa kustodiya ng NBI at saka itinurn-over sa Bureau of Jail Management and Penology.