2 Katao, Arestado sa Pagbebenta ng Droga!

*City of Ilagan, Isabela- *Bagsak sa kulungan ang dalawang indibidwal matapos mahuli sa pagbebenta ng droga partikular sa bagong palengke ng City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Gilbert Ladimo, 34 anyos, residente ng Brgy. Cabannungan 1st, City of Ilagan, Isabela at Marierose Cruz, 34 anyos, residente naman ng Brgy. Wawa, Taguig City, Metro Manila.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nagpositibo ang inilatag na drug buy bust operation ng mga otoridad laban sa dalawang suspek kung saan nabili sa mga suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu.


Narekober din mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang libong piso na marked money at dalawang unit ng cellphone.

Nasa kustodiya na ng PNP Ilagan ang dalawang naaresto na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments