2 Katao, Huli sa Kasong Estafa!

Cauayan City, Isabela- Timbog ang dalawang katao na wanted sa batas matapos isilbi ang kanilang warrant of arrest sa Brgy. Dangan, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang dalawang naaresto na sina Cristine Quilang, 47 anyos, may-asawa at Frisca Mabazza, 34 anyos, may-asawa at kapwa residente ng Brgy. Dangan, Reina Mercedes, Isabela.

Nahaharap sina Quilang at Mabazza sa kasong Estafa na may kaukulang piyansa na Php20,000.00 para sa kanilang pansamantalang kalayaan.


Dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments