2 Katao, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

Cauayan City, Isabela- Arestado ang dalawang katao sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad bandang 11:30 kaninang umaga sa Barangay Tallungan, Aparri, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Jonalyn Guimmayen, isang High Value Target, 45-anyos at Armando Dilay Jr/,52-anyos, isang tricycle driver kapwa residente ng Brgy. Maura, Aparri, Cagayan.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong (3) pakete ng hinihinalang shbau na tumitimbang ng higit kumulang 1.5 grams na may market value na P10,000.00.


Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nasa pangangalaga ng pulisya.

Facebook Comments