2 katao inagawan na ng motorsiklo, pinatay pa sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao

34

Nagpapatuloy ang hot pursuit ng mga elemento ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station kontra sa mga responsable sa pang-aagaw ng motorsiklo at pamamaslang sa dalawang indibidwal na naitala sa Brgy. Sibuto noong September 17, 2019 ng hapon.
Bagaman tukoy na ng mga otoridad ang utak at ang mga kasamahan nito sa krimen, malaya pa rin ngayon ang mga ito at patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.
Sinasabing sakay ng baja motorcycle ang mga naging biktima na sina Norodin G. Datukali , 24 years old, residente ng Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao at Jubani E Alon, 19 years old, jobless, residente ng Nunguan Pikit, North Cotabato at Juharto Sahadili residente rin ng Pikit ng biglang harangin ng mga suspek sa bahagi ng Sitio Teny at sapilitang inagaw ang sinasakyang motorsiklo.
Hindi pa na kontento ang mga ito at pinagbabaril pa ang mga biktima. Patay sa pangyayari sina Datukali at Alon na kapwa nagtamo ng multiple gunshot wound habang maswerteng nakaligtas si Sahadili.
Sinasabing sangkot rin sa mga kasong carnapping at murder ang responsable sa krimen.
DOS MPS File Pic

Facebook Comments

From Advertisers