2 Katao kabilang ang Isang Menor de Edad, Timbog sa Pagnanakaw ng Panabong na Manok!

*Cabatuan, Isabela**- *Natimbog ang dalawang kalalakihan na kinabibilangan ng isang menor de edad matapos magnakaw ng panabong na manok sa Brgy Saranay, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang mga nahuli na sina Alex Lagat, 34 anyos, residente ng Lapaz at alyas Onyok, 14 anyos, residente naman ng Brgy Saranay, Cabatuan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, isang nagngangalang Bong Paltutan, farm handler sa Brgy Saranay ang dumulog sa himpilan ng PNP Cabatuan hinggil sa nawawalang panabong na manok na pagmamay-ari ng kanilang Brgy. Kapitan na si Willy Britanico.


Kaugnay nito, nakatanggap ng tawag ang PNP Cabatuan mula kay Rolando Orodio ng Lapaz, Cabatuan, Isabela na nakita sa isang lugar ang suspek na ibinebenta ang nawawalang manok ng Kapitan.

Agad namang rumesponde ang mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang suspek.

Dinala na sa PNP Cabatuan ang mga suspek maging ang ninakaw na manok para sa kaukulang dokumentasyon at dispsosisyon.

Facebook Comments