2 Katao na may kaso sa batas, Arestado sa Isabela!

*ISABELA*- Nasa kamay na ng kapulisan ang dalawang indibidwal na may kasong kinakaharap matapos madakip sa magkahiwalay na isinilbing Warrant of Arrest dito sa lalawigan ng Isabela*.*

Kinilala ang isa sa mga nadakip na si Francisco Tolentino Capena, singkwenta anyos at residente ng Ilagan City, Isabela.

Nadakip ng PNP Ilagan ang suspek bandang alas onse y medya kaninang umaga sa nasabing lungsod sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17 2nd Judicial Region, Ilagan City, Isabela dahil sa kaso nitong Homicide at tinatayang nasa apatnapung libong piso ang inilaang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Samantala, huli rin sa bayan ng Jones, Isabela ang isang manggagawa na may kaso sa batas na kinilalang si Gary Caluya Gabarda, trentay sais anyos, binata at residente ng brgy. San Isidro, Jones, Isabela.

Si Gabarda ay dinakip ng mga kasapi ng PNP Jones sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 Echague, Isabela dahil sa kaso nitong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Nasa dalawangdaang libong piso naman ang inilaang piyansa para sa kaso ni Garry Gabarda.

Facebook Comments