2 Katao na Most Wanted Person sa Isabela, Arestado!

99

*Isabela-* Bagsak sa kulungan ang dalawang most wanted person matapos isilbi ang kanilang warrant of arrest sa magkakahiwalay na lugar sa Lalawigan ng Isabela.

Una rito, nadakip pasado alas singko kaninang umaga ang Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Cordon, Isabela na si Carlito Pillen, 48 anyos, magsasaka, residente ng Brgy. Malapat, Cordon, Isabela.

Si Pillen ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni judge Anastacio D. Anghad ng RTC Br. 36 Santiago City dahil sa kasong Panggagahasa at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Samantala, huli rin kahapon ang Top 6 Most Wanted Person sa bayan ng Tumauini na si Prieto Bacani, 59 anyos, isang karpentero, residente naman ng Brgy. Fermeldy, Tumauini, Isabela sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ng dalawang hukom.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse si Bacani na may inirekomendang piyansa na P80,000.00 habang sa kaso nitong Attempted Homicide ay may kaukulang piyansa na P36,000.00.

Kapwa nasa pangangalaga na ng PNP ang dalawang akusado at nakatakdang dalhin ang mga ito sa kanilang court of origin.



Facebook Comments